regireg (regireg) wrote,
regireg
regireg

kahit talo, panalo pa din =)

after a long time, nakanood ulit kami kagabi ng family ko ng PBA live. Ginebra - Purefoods kasi tapos sa Cuneta lang. Ginebra kami ng mga kapatid ko, mommy ko Purefoods, daddy ko balimbing. hehehehe. hindi masyadong maganda ang game kanina. nilamon lang naman ng buhay ng PF ang BGK. pfft. oh well, medyo expected ko na yun. unbeaten pa ang PF at ang BGK isa pa lang ang panalo. hay. pero todo support pa din ako. hehe. =) ang saya lang kagabi pag nagkakainitan na ng ulo yung players. una tapatang Mamaril-Adducul. haha bakbakan ng mga higante. wala namang nangyari, puro iringan lang. hehe. tapos tapatang Tubid-Cablay. wahahaha. sobrang laughtrip 'to. hindi ko alam kung anong ginawa ni Tubid pero sobrang nainis sa kanya si Cablay at gusto syang sakalin. waha! eksena! sa tapat pa namin yun nangyari! wehehe! classic! and lastly, ang tapatang Macapagal-referee. nyahaha. yup, si Mark Macapagal na uber crush ko, nakatapat yung referee. eto nangyari medyo malayo saken kaya nagulat na lang ako nung biglang na-double technical foul si Mac, ayun thrown out of the playing court! haha! ewan ko ba kung bakit umunit ulo nun. sabi ng kapatid ko nagrereklamo daw kase sa ref na dapat may foul. tapos after nila mag-usap nung ref, tinisod ba naman nya yung ref! haha ayun technical! tapos nagreklamo ulit, ayun technical ulit! babad pero wala masyadong nagawa ang lolo. ayun kaya siguro nanggigil. hahaha! anyway, may bagong revelation kagabi sa BGK, si Macky Escalona. OMG mahal ko na siya. hehehe! hindi sya masyado umiskor kagabi pero grabe yung energy nya. para syang sinapian! eh hindi naman dating ganun yun. hahaha. grabe i love him na talaga. share na sila ni Mac sa atensyon ko. LOL. ang cute cute nilang dalawa. grabeeee! ^^; 


Macky and Mac JJ and Mac
MacMacky



so ayun, umalis kami ng Cuneta na medyo badtrip. well yung nanay ko masaya. haha. ok lang, benta pa rin yung mga kaguluhang nangyari sa court. hehe. nag-dinner lang kami sa Gerry's Grill Blue Wave. nung kinukuha na namin yung bill, nagulat kami ng kapatid ko, biglang pumasok ng resto si Rodney Santos. my gosh. nakita ko sya kagabi sa Cuneta. well, what i know is hindi na sya Ginebra, free-agent na. pero andun pa din sya sa bench. tapos kumuha sya ng table sa may corner. akala ko mag-isa lang siya. eto, mas ikinagulat ko yung sunod na pumasok sa pinto. OMG. breath in, breath out. si Mark Macapagal lang naman. jusko nanginig ako. literal, i swear! hahaha! grabe yun na yung closest encounter ko sa kanya. as in we were 3 feet away from each other, i think. my gosh. i loved him more. ang pogiiiii! :x jusko di ko ma-explain yung feeling. hahaha kinikilig ako anubeh! medyo nagtagal pa siya sa harap ko kase hinahanap niya si Rodney. hay nakatitig lang ako the whole time. gusto ko sana mag-hi kaso heller lumabas ang shy girl in me. jusko di ko talaga kinaya. nung paalis na kami, sabi ng mom ko, magpapicture daw ako, siya magsasabi. ay jusko di kaya ng powers ko! ahay di na ko marunong fuman! wahahaha! at tsaka nahihiya naman ako kase nasa resto tapos kakain na sila. eh di ba, sobrang nakakahiya naman yun. tapos niloloko ko pa mom ko, sabi ko ayoko, i'm scared kase baka mainit pa ulo. wahahaha! pero syempre ok na naman siguro siya. pero my gosh hindi ako maka-get-over. pinipigilan ko na ngang tumitig sa kanya noh. haaay. gusto ko rin sana kumaway man lang. ay gosh wala akong nagawa! i was helpless. hahaha! grabe starstruck to the max! i love him talaga! ahahaha! =) parang sobrang sakto nung nangyari. meant-to-be ika nga. sa dinami-dami ng resto na pupuntahan nya, bakit dun pa diba? omg. parehas pa kami naka-black. oh yeah we're so meant to be! hahahaha! tae i've lost it again. bagong kabaliwan. hahahaha! ;)

oh di ba, umuwi man akong talo sa basketball, panalo pa din ako kase nakita ko si Mac ng malapitan. OMG i'm so kilig. ^^; 
  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 0 comments