regireg (regireg) wrote,
regireg
regireg

  • Mood:
  • Music:

anong chika?

"anong chika?" yan ang "hello" sakin ni jem sa YM. hahaha. miss na kita bakla! ipagpatuloy lang natin ang pag-chika. lol. malalaman din natin ang katotohanan. hahahaha! ;)

anyway. busy day today. pero feel ko lang magkwento. wala pa kase yun iq-QA ko. so the past few days/weeks eh sobrang depressing ng atmosphere sa office. re-org. lipatan. resignations. sumabay pa yung bagyo. haaay. ewan nakakawalang-gana tuloy. buti ngayon medyo ambon lang projects ko. pero busy ako sa pag-aaral. naks. magte-take-over na kasi ako dun sa role ng isang nag-resign kaya eto mag-step-up dapat ako. wow magdedevelop ulit ako. hehehe. html + perl + javascript. haha oldschool pero exciting. oh well, excited ako sa new challenge na 'to. konting tiis na lang naman... :)

so hindi ako nakapunta sa 19east nung monday. argh. ang hirap kasi umalis pag galing sa bahay. hindi ako maka-chempo. nag-try ako, promise. nagpa-goodshot ako sa tatay ko kaya ginawa ko yung mga request nyang i-organize yung wow philippines trip ng tita kong magbabalik-bayan. eh wala, nagkaasaran lang kami. ang gulo nya kasi, eh ako wala ng pasensya, naiinis pa kase di nga ako makaalis. hehe. inabot na kami ng 11pm kaya di na ko humirit na magpahatid. oh well, next month na lang. hehe. sayang na-miss ko yung cover nila ng stolen. awww. :)

for the past few days, chika mode ako. hehe. sa showbiz at sa pba. yan ang mga interes ko lately. sa showbiz, syempre andyan ang pep.ph para sa mga latest chika. ang latest na ikina-shock ko eh yung bf ni vicky belo. anak ng pucha, 27-year-old doctor named hayden kho. taena. contestant sya sa celebrity duets. ang gwapo kaya tapos mukhang koreano (or koreano talaga?). tae talaga. 2 yrs na daw sila ni belo. anak ng tokwa nakaka-depress. hahaha! :)) tapos sa pba naman, nakabantay ako sa rookie draft pati sa mga trades this off-season. so nakuha ng air21 sina intal & kramer. nakuha ng BGK si escalona. nasa red bull naman si duncil. tapos ang daming na-trade so gulo-gulo na. tapos madami ding expiring contracts kaya maraming hanging. isa na dun si mark macapagal. whew! mababa daw yung offer ng BGK kaya di sya agad nag-renew. pero i think last saturday lang, nag-renew sya ng one year ulit. yey! naku wish ko lang dumami ang exposures ni mark this season. :) tapos sina reavis & hatfield missing-in-action pa. hehe. pero si rafi babalik ata, si rudy indefinite pa kaya naghahanap pa ang BGK ng kapalit nya. hay sayang si rudy. asar. :( haaay ang tagal ng new season. October 14 pa. sana makanood kami ng opening. hindi ata matutuloy yung "super sunday" na balak noon, wherein all 10 teams will play that day. 4 teams sa Manila, 4 teams sa Cebu, 2 teams sa GenSan. mukhang hindi daw uubra sabi ng interim commissioner. ayun. hehe :)

nagbabalik-loob na nga pala ako sa koreanovela ngayon. eh kasi naman. Foxy Lady. hehehe. nasubaybayan ko sa GMA nung nasa 11:30am timeslot pa sya. asar talaga nilipat nila ng hapon. grrr. ayan clubbox mode tuloy ako para ma-dl. ma-effort! i-hard-sub ko pa para mapanood ko sa zen ko. hahaha arte kase. oh well. cute kase ng kwento tapos ang cute nung bidang lalaki, si "AJ." hehehe. :) isa pa palang sinisubaybayan ko eh yung Love in Heaven. isa pa yun na dating nasa 11:30am timeslot na nilipat naman ng 8:30am. badtrip. pero at least ngayon, may reason na ko gumising ng 8:30am instead sa usual kong gising na 9-10am. hahaha! :)

ayun lang! back to work na ko. :)
  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 3 comments